^

Police Metro

Napoles, ex-solon tablado sa Sandiganbayan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Sandiganbayan ang mosyon ng dating negosyanteng si Janet Lim Napoles at ex-Masbate Third District Rep. Rizalina Seachon-Lanete na mabasura ang kinakaharap nilang P108.4M plunder at graft   kaugnay ng Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) scam.

Sa magkakahiwalay na resolusyon na may petsang Nov. 25 at Nov. 21, 2022, ibinasura ng Fourth Division ang motions for leave to file demurrer to evidence nina Napoles at Seachon-Lanete.

Ang demurrer to evidence ay isang paraan para madismis ang kaso kung nabigo ang prosekusyon na magsumite ng supis­yenteng ebidensiya.

Ayon sa anti-graft court, ang testimonial at documentary evidence ng prosekusyon ay supisyente para maigawad ang guilty verdict sa mga akusado maliban kung matagumpay itong makokontra.

Sina Napoles at Lanete ay nahaharap sa kasong graft at pandarambong matapos umanong ibulsa ang higit P108 milyong kickback sa PDAF scam mula 2007 hanggang 2010.

PRIORITY DEVE­LOPMENT ASSISTANCE FUND

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with