^

Police Metro

PNP nagbabala sa crypto scam ngayong Kapaskuhan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayong Kapaskuhan ay nagkalat ang mga pekeng online crypto investments sa bansa.

Kaya’t pinag-iingat ni Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) Director Brig. Gen. Joel Doria ang publiko sa mga pekeng crypto investments na puspusan na ang ginagawang  panloloko at panghihikayat lalo pa at marami na ang nakatanggap ng kanilang Christmas bonus.

Nakakatanggap na rin sila ng  mga reklamo na iba’t ibang sistema  upang makapanghikayat  ng mga  investor ng  “fake” crypto investments.

Ang mga potential investors ay kailangan na mag-download ng kanilang apps kasunod ang pagbibigay ng investments.

Bibigyan ng dashboard ang investors kung saan makikita  ang kanilang investment at interest.

Sa sandaling makita ng investor ang kanilang investments at kinita, mas naeengganyo ang mga investor na dagdagan pa ang kanilang  investment.

Subalit, sa sandaling i-withdraw ng investor ang kanilang investment, hindi ito papayagan ng  apps.

Sinabi ni Doria na gumagamit ng pekeng permits mula sa Department of Trade and Investments at SEC ang mga scammers.

SCAM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with