^

Police Metro

5 babaeng Vietnamese nasagip, 2 dayuhan timbog

Ludy Bermudo - Pang-masa

Sa entrapment ops sa Parañaque

MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng Southern Police Disrtict-Special Operations Unit limang babaeng Vietnamese nationals habang dalawa pang dayuhan ang dinakip sa ikinasang entrapment operation kaugnay sa pambubugaw umano ng mga babae para sa panandaliang aliw, sa Parañaque City, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni SPD Director P/Brig. General Kirby John Brion Kraft ang mga suspek na sina Diyong Huang, lalaking Chinese national, 37-anyos; at Thi Ut Ha, babaeng Vietnamese national, 26-anyos. Sila ang itinuturong nasa likod sa prostitusyon ng naisalbang limang babaeng Vietnamese.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw ng Nob­yembre 25, 2022 nang isagawa ang entrapment laban sa mga suspek sa 5H Tower C, Bayshore 1 Residence, sa nasabing lungsod.

Nag-ugat ang operasyon sa sumbong ng isang Romely Dipol Battung na ang mga babaeng banyaga ay ginagamit sa prostitusyon.

Narekober ang dalawang P1,000 bill, at 51 piraso ng P1,000 boodle money na ginamit sa entrapment, sasakyang itim na Toyota Fortuner na may plakang NBK1912 at isang Apple iPhone 14 Promax.

VIETNAMESE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with