DepEd palalakasin ang online sumbungan ng mga inaabusong estudyante

Television showing feeds of cockfight events.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Upang lalo pang mapalakas ang bagong tatag na online platform ng Department of Education (DepEd) na siyang sumbungan ng mga estudyanteng inaabuso ay makikipagtulungan ang ahensiya sa iba’t ibang sector.

 Ayon kay Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, kukunin nila ang suporta ng lider ng mga barangay, civil society partner at child protection advocate para sa kanilang Learners TeleSafe Contact Center Helpline.

Anya, sa ganitong paraan ay higit pa nilang mapapahusay ang mekanismo ng programa at mas magkakaroon ng magandang referral system.

Sinabi ni Duterte na titiyakin nila ang “safe environment” sa mga mag-aaral laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

Sa mga may reklamo, hinihikayat ng DepEd na makipag-ugnayan sa kanilang email sa weprotectlearners@deped.gov.ph Website: www.deped.gov.ph/learner-rights-and-protection-office/ Social media: DepEd Learner Rights and Protection Office Telephone lines: (02) 8637-2306, (02) 8632-1372 SMS: 09451759777.

Show comments