^

Police Metro

DSWD binigyan ng tig-P10K mga pulubing Badjao

Mer Layson - Pang-masa
DSWD binigyan ng tig-P10K mga pulubing Badjao
Ilan sa mga na-rescue na Badjao noong Biyernes sa NCR. Binigyan ng P10,000 per family bilang puhunan at pamasahe.

MANILA, Philippines — Para hindi na umano mamalimos ay inumpisahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagsagip sa mga Badjao at Aeta sa kalsada.

Tinatayang 100 namamalimos na Badjao ang iniligtas ng DSWD sa mga kalsada sa Metro Manila at binigyan ng pagkain, hygiene kits at P10,000 puhunan sa maliit na negosyo.

Sinabi ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na ang rescue operation ay sinimulan noong nakaraang Biyernes, Nob­yembre 18.

Ayon sa kalihim, dati ay binibigyan ng pagkain at tiket sa ferry ang mga Badjao para umuwi sa kanilang lalawigan pero binago niya ang polisiyang ito.

Aniya, napipilitan umanong bumalik sa Metro Manila ang mga Badjao upang mamalimos uli dahil wala naman silang pagkakakitaan sa kanilang lugar sa Mindanao.

Ayon sa DSWD na hindi lang  ngayong Pasko, kundi buong taon na tutulungan nila ang mga nasabing katutubo.

Sinabi naman ni DSWD Standard Bureau Usec. Denise Bragas, na siyang nangangasiwa sa rescue ­operations ng IPs sa lansa­ngan, isusunod na nila ang mga street children katulong ang mga LGU.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with