^

Police Metro

COVID-19 surge sa mga iskul tinututukan ng DepEd

Mer Layson - Pang-masa
COVID-19 surge sa mga iskul tinututukan ng DepEd
A long queue of passengers waiting for their ride was spotted at the MRT3 North Avenue Station in Quezon City on Monday (September 19, 2022).
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Ilang eskuwelahan sa bansa ang kinumpirma ng Department of Education (DepEd) na nagkaroon ng hawaan ng COVID sa gitna ng pagpapatuloy ng face-to-face classes.

“In a gathering of people, especially of learners and teachers in classrooms, expected naman po talaga na may mag-positive,” ang wika ni DepEd spokesperson Michael Poa.

“Hindi po ‘yan naiiba sa mga office situations. Gusto po natin iwasan talaga and that’s why we’re closely monitoring is ‘yung pagkakaroon ng surge,” dagdag na pahayag nito.

Tiniyak rin ni Poa na gumagawa sila ng mga pamamaraan at istriktong ipinaiiral ang mga health protocols sa mga paaralan upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

Batay sa DepEd Order No. 34, ang sinumang estudyante na makikitaan ng mga sintomas ng COVID-19 ay kaagad na pauuwiin at lilipat sa distance o modular learning.

Wala pa namang inilalabas na karagdagang detalye ang DepEd hinggil dito at hindi pa rin batid kung ilang guro at estudyante ang nagka-COVID-19 at kung saang paaralan naitala ang mga naturang kaso.

Matatandaang ipinag-utos na ng DepEd ang pagdaraos ng limang araw na face-to-face classes sa lahat ng paaralan sa bansa, pri­bado man o pampubliko, simula sa Nobyembre 2, 2022.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with