^

Police Metro

‘Overage’ na kakandidato sa SK, binalaan

Danilo Garcia - Pang-masa
âOverageâ na kakandidato sa SK, binalaan
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na marami ang nakaka­lusot at gumagawa nito dahil batid nilang mara­ming kasong hinahawakan ang Comelec at hindi agad nareresolba.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Dadaan sa butas ng karayom ang mga nagnanais na tumakbo sa Sangguniang Kabataan elections dahil sa mahigpit nang susuriin at tatanggihan ng Commission on Elections o Co­melec ang mga ‘overage’ nang kandidato na balak magsumite ng certificate of candidacy o COC.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na marami ang nakaka­lusot at gumagawa nito dahil batid nilang mara­ming kasong hinahawakan ang Comelec at hindi agad nareresolba.

Upang maiwasan ito, binalaan ni Garcia ang mga nagbabalak na magpalusot dahil mahigpit na nilang susuriin sa pagpapasa pa lamang ng COC.

Sa ilalim ng Section 10 ng Republic Act No. 10742, nakasaad na ang isang opisyal ng SK, nahalal man o appointee ay dapat isang mamamayan ng Pilipinas, kuwalipikadong botante, residente ng kaniyang barangay ng hindi bababa sa isang taon at 18 hanggang 24 taong gulang sa araw ng halalan.

Isasagawa ito ng Co­melec sa kabila na naratipikahan na ng Senado at Kongreso ang ‘bicameral conference committee report’ sa pagpapaliban ng Barangay at SK elections at pagdaraos nito sa Oktubre 2023 na.

Tanging pirma na lamang ni Pangulong Ferdi­nand Marcos Jr. ang kina­kailangan dito.

ELECTION

SK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with