^

Police Metro

Ukay-ukay gawing legal, buwisan

Gemma Garcia - Pang-masa
Ukay-ukay gawing legal, buwisan
Ito ang iminungkahi ni Senador Raffy Tulfo sa Bureau of Customs (BOC) sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means na kanyang pinamumunuan.
File

MANILA, Philippines — “Gawing legal at patawan ng kaukulang buwis ang ukay-ukay mula sa labas ng bansa na mas mabenta sa online.”

Ito ang iminungkahi ni Senador Raffy Tulfo sa Bureau of Customs (BOC) sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means na kanyang pinamumunuan.

Sinita ni Tulfo ang BOC dahil sa patuloy na pagdami ng tindahan ng mga ukay-ukay na mula sa ibang bansa na umano’y ipinagbabawal ng batas.

Ito ay dahil ang mga second hand na damit ay pang donasyon dapat sa mga nasasalanta ng kalamidad at para sa mga mahihirap at hindi dapat itinitinda at dapat diretso ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) o kaya ay sa mga charitable institution.

Kinumpirma naman ni Customs Deputy Commissioner Edward Buco, na bawal ibenta ang mga second hand na damit at may mga anti-smuggling operations na sila dito, subalit nagiging innovative na rin ang mga smuggler.

Posibleng hindi umano kayang kontrolin ng BOC ang pagpasok ng ukay-ukay kaya dapat gumawa ng sistema o gawing legal ito dahil sa ilalim ng Republic Act 4653 ay ipinagbabawal ang importasyon ng mga damit para maprotekta­han ang mga kalusugan ng publiko.

vuukle comment

DSWD

TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with