^

Police Metro

Ilegal na importasyon ng puting sibuyas, nabunyag

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Senador Imee Marcos ang illegal na importasyon ng puting sibuyas ito ay matapos ang illegal na resolusyon na nag-ootorisa sa importasyon ng 300,000 metriko tonelada ng asukal sa bansa.

Ang pagbubunyag ay ginawa ni Marcos matapos na masabat ng Bureau of Customs (BOC) ang P36 milyong halaga ng sibuyas sa Misamis Oriental na idineklara bilang “spring roll patti” at “plain churros”.

Hindi naman naniniwala si Marcos na may kaka-pusan sa puting sibuyas dahil walang naiprisintang mga imbentaryo nito vis-a-vis pagtatanim at sa panahon ng anihan.

Hinikayat na rin umano niya ang DA na i-assess kung  may kakapusan ng puting sibuyas gayundin sa asukal at porcine PAP (processed animal protein) subalit  wala na naman sa datos ng ahensya at ‘wala talagang laman ang mga bodegang ininspeksyon nila.

Binalaan naman ng Senadora ang mga sangkot sa nasabing ilegal na aktibidad.

SMUGGLING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with