^

Police Metro

COVID-19 outbreak ‘di maiiwasan sa F2F classes

Danilo Garcia - Pang-masa
COVID-19 outbreak âdi maiiwasan sa F2F classes
Mas pinili ng magulang na ito na bumili ng school supplies sa kahabaan ng bangketa sa Brgy. Banaba, San Mateo, Rizal upang makati-pid at makakuha ng diskuwento kumpara sa mga tindahan sa loob ng mall.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ng OCTA Research group na hindi umano maiiwasan na magkaroon ng COVID-19 outbreak sa mga mag-aaral sa pagbabalik ng ‘face-to-face classes’ sa bansa.

Subalit, naniniwala si OCTA fellow Dr. Guido David na hindi na ito magdudulot ng panibagong ‘surge’ lalo na kung agad na mako-contain ang mga outbreak sa mga paaralan sa mga ikakasang mga panuntunan.

“We have to make sure that concerned institutions are ready,” pana­wagan ni David kasabay ng pagsasabi na naniniwala siya na magiging asymptomatic o mild lamang ang magiging mga kaso ng mga bata sakaling tamaan ng virus dahil sa malalakas ang katawan ng mga bata.

Nananawagan siya sa mga paaralan na ngayon pa lang ay maghanda na ng mga plano para sa ‘face-to-face classes’, tulad ng pagbakuna sa kanilang mga guro at tamang bentilasyon, at mga polisiya para sa gagawing aksyon sa oras na magkaroon ng ‘outbreak’ ng virus.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with