Halos 3 milyon Pinoy walang trabaho

Commuters sport face shields while riding the LRT Line 2 coach in Quezon City on Nov. 3, 2021. The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases eyes scrapping the mandatory wearing of face shield policy in connection with the downtrend in COVID-19 cases in the country, Malacañang spokesperson Harry Roque said in a briefing.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Authority (NSA) na sumirit sa 2.99 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Hunyo.

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 6 na porsiyento kaysa sa bilang ng mga walang trabaho noong Mayo na nakapagtala ng 2.93 milyong walang trabahong mga Pilipino.

Samantala, ang unem­ployment rate naman nga­yong Hunyo ay mas ma­baba kaysa noong Hunyo 2021 na nasa 7.7 porsyento, katumbas ng 3.77 milyon. Pareho rin ito sa naitala noong Mayo.

Ang underemployment­, o mga manggagawa na naghahanap ng mas mara­ming trabaho o oras ng trabaho naman ay lumapag sa 12.6 porsyento noong Hunyo, katumbas ng 5.89 milyon.

Mas mainam ang under­employment rate ng Hunyo kumpara sa Mayo na 14.5 porsyento o 6.67 milyon at Hunyo 2021 na 14.2 por­syento na may 6.41 milyon.

Show comments