Halos 3 milyon Pinoy walang trabaho
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Philippine Statistics Authority (NSA) na sumirit sa 2.99 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Hunyo.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 6 na porsiyento kaysa sa bilang ng mga walang trabaho noong Mayo na nakapagtala ng 2.93 milyong walang trabahong mga Pilipino.
Samantala, ang unemployment rate naman ngayong Hunyo ay mas mababa kaysa noong Hunyo 2021 na nasa 7.7 porsyento, katumbas ng 3.77 milyon. Pareho rin ito sa naitala noong Mayo.
Ang underemployment, o mga manggagawa na naghahanap ng mas maraming trabaho o oras ng trabaho naman ay lumapag sa 12.6 porsyento noong Hunyo, katumbas ng 5.89 milyon.
Mas mainam ang underemployment rate ng Hunyo kumpara sa Mayo na 14.5 porsyento o 6.67 milyon at Hunyo 2021 na 14.2 porsyento na may 6.41 milyon.
- Latest