Pasahe sa bus puwedeng itaas — LTFRB

A driver of an Edsa Carousel bus at the Quezon City loading bay.
PNA photo by Jess M. Escaros Jr.

MANILA, Philippines — Puwedeng maitaas ang pasahe sa mga pampasaherong bus sa bansa.

Ito ang sinabi ni Atty. Cheloy Garafil, chairman ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) pero ka­ilangan munang makuha ng LTFRB ang opinyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) tungkol sa bus fare hike.

“Personally, I recognize na talagang kailangan ng increase, but we will find that balance nga kasi mahirap naman na basta basta ka mag-increase without any basis,” pahayag ni Chairman Garafil. 

Sinabi ni Garafil na mahalagang makuha ang opinyon ng NEDA hinggil sa posibleng pagtataas ng pasahe sa bus para maging katanggap-tanggap sa lahat ng panig.

Nais ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) na maitaas ang pasahe ng mga bus ng 30 hanggang 35 sentimos kada kilometro o dag­dag na P2.20 hanggang P2.50 sa pasahe.

Para naman sa 100-kilometrong layo ang destinasyon ng pasahero, ang mga ito ay nais nilang magbayad ng dagdag na P30 mula sa kasalukuyang pasahe.

Nais naman ng city bus groups na maitaas ng P4 hanggang P7 ang kanilang base fare para sa unang 5 kilometrong takbo.

Kung papayagan ito ng LTFRB, ang mga pasahero ay magbabayad ng mi­nimum na pasahe na P20 sa halip na  P13  para sa mga air-conditioned units at P15 mula sa P11 pasahe sa ordinary buses.

Sinabi naman ng Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP) na hindi sila tutol sa taas pa­sahe sa bus basta’t maging reasonable ang halaga ng itataas sa pasahe para hindi masyadong maapek­tuhan ang riding public.

Ayaw naman ng ibang mga commuters na ma­itaas ang pasahe dahilan sa nagbaba na nitong mga nagdaang araw ang presyo ng petrolyo. 

Show comments