P2 taas-pasahe sa jeep, aprub na ng LTFRB

Daily commuters pay for their jeepney fare in Marikina on Thursday, June 9, 2022.
THE STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga drayber na P2 dagdag na pasahe sa jeep sa buong bansa.

Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Dahil dito, nasa P11 na ang minimum na pa­sahe sa traditional jeep, habang nasa P13 naman ang minimum na pasahe sa modern jeep.

Hindi na isinama sa taas-pasahe ang provisional na P1 taas-pasahe na pansamantala lamang at maaaring mabago imbes P2 taas-pasahe lamang ang idinagdag sa orihinal na P9 minimum na pasahe .

Magiging epektibo ang dagdag-pasahe sa July 1.

Patuloy namang bibigyan ng 20 percent discount ang mga pasahero na senior citizens at persons with disabilities at mga estudyante.

Show comments