32 pa tinamaan ng Omicron subvariant – DOH

People with large baggages start arriving at the Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) in Parañaque City before dawn on Dec. 23, 2021 to catch their buses as they head to their respective provinces early to avoid the influx of passengers for the Christmas weekend.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na nasa 32 ang karagdagang nahawa ng BA.5 Omicron subvariant ang naitala sa bansa.

Sinabi ni Usec. Ma. Rosario Vergeire, 21 sa mga bagong kaso ay sa Region 6, apat sa Calabarzon, apat sa Metro Manila at tatlo naman sa Central Luzon Region.

Ibinahagi niya na ang naitalang 21 sa Region 6 ay magkakasama sa tra­baho at sa mga bagong tina­maan, 30 dito ang fully vaccinated, samantalang ang isa naman ay partially-vaccinated.

Sa mga bagong kaso, 22 ang nakaranas ng mild symptoms at lima ay asymp­tomatic, bukod dito, 16 sa kanila ang guma­ling na samantalang ang natitirang bilang ay naka-isolate.

Ngayon, 43 na ang na­italang tinamaan ng BA.5 sa Pilipinas at hindi pa rin tukoy ng DOH kung paano nalantad ang mga pasyente sa BA.5 subva­riant at inaalam pa rin ang kanilang mga travel history.

Show comments