Ama, 2 anak tiklo sa P2 milyon shabu at baril

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang tatay, dalawa nitong anak at 2 kaanak sa drug buy-bust operation, kamakalawa ng gabi sa Trece Martirez City, Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina Mobarak Dida Batao, 58, dalawang anak na sina Mobarak Batao Jr., 22; at Kadir Batao, 26; kaanak na sina Hakim Batao, 24; Cosain Bangon, 66, pawang mga residente ng Blk 31, Lot 21, Beverly Homes, Phase 1, Trece Martirez, Cavite.

Sa ulat, alas-9:05 ng gabi nang ikasa ng mga otoridad ang drug buy-bust operation laban sa mga suspek at dito naaresto at nakumpiska ang mahigit sa 300 gramo ng shabu na aabot sa P2, 040, 000; mga baril at bala.

Show comments