Pagtatrabaho ng mga nars sa abroad pinangangambahang maubos
MANILA, Philippines — Sa gitna ng pagbubukas ng mga oportunidad sa iba’t ibang bansa ay pinangangambahan ng Philippine General Hospital (PGH) na maubos ang mga nars sa Pilipinas.
Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jose Jonas Del Rosario, posibleng marami sa kanilang healthcare workers na karamihan ay mga skilled ang mag-resign para sa mas magandang kompensasyon sa ibayong dagat.
Upang agad namang matugunan ang mga inaasahan nilang vacancies, sinabi ni Del Rosario na sinisimulan na rin nila ang recruitment ng mga bagong staff.
“Iyon po ang aming problema. In fact, ang PGH po ay nananawagan sa mga nurses na mag-apply po. Marami po kaming bakante ngayon. Hindi lang sa ICU or operating room, pati sa mga ward. They’re actively recruiting para habang medyo may kaunting katahimikan ay madagdagan bago dumating, kung sakali lang, magkaroon ng surge.
Kahit bago lang, willing kami mag-train sa kanila basta mag-apply sila sa PGH,” paliwanag ni Del Rosario. Sa ngayon, kabilang na rin ang Taiwan at Saudi Arabia sa talaan ng mga bansang pinayagan ang OFW deployment.
- Latest