Duterte inaprubahan ang buwanang bayad sa mga SK officials

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong mas palakasin ang Sangguniang Kabataan (SK) kung saan makakatanggap na rin ang mga ito ng buwanang honorarium.

Inamyendahan ng Republic Act No. 1176 ang ilang probisyon ng Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015 kung saan lahat ng SK members kabilang ang treasury at secretary ay makakatanggap ng monthly honorarium tuwing katapusan ng monthly SK meeting.

Pero, hindi dapat lumampas ang honorarium sa 25 porsiyento ng SK funds at hindi dapat humigit sa tinatanggap na sahod ng SK chairperson.

Mabibigyan rin ng civil service eligibility ang mga SK members base sa kanilang taon sa serbisyo.

Show comments