Marcos camp sa Robredo NGO: ’Karapatan ng lahat na mag-organisa’

Vice President Leni Robredo addresses her campaign supporters at a thanksgiving gathering on the Loyola Heights campus of Ateneo de Manila University on May 13, 2022. Robredo has fallen to far second behind Bongbong Marcos Jr. the presidential race, according to Comelec data.
Philstar.com / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Dahil sa bahagi ng isang malayang demok­rasya ay hindi hahadlangan ng kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,ang plano ni Vice President Leni Robredo na maglunsad ng Non-Government Organization (NGO).

Ayon kay Atty.Vic Rodriguez, spokesman at Chief of Staff ni Marcos, maaaring mag­lunsad ng NGO si Robredo basta’t tumatalima ito sa itinatadhana ng batas.

Magugunita na inianunsyo ni Robredo ang plano ng kaniyang opisina na maglunsad ng “Angat Buhay Program”, isang pinakama­lawak na volunteer center sa bansa upang makapagbahagi ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan.

Ilulunsad ni Leni ang ‘Angat Buhay’ kasabay ng pag-upo sa puwesto ni BBM bilang ika-17th Pangulo ng Pilipinas.

Sinabi ni Robredo na hindi sila mamimili ng tutulungan, walang tatalikuran at ipamamalas ang buong puwersa ng radikal na pagmamahal.

Si Marcos ay nakakuha ng 31.1M boto kumpara kay Robredo na nasa 14.8M lang.

Show comments