^

Police Metro

Romualdez inendorso ni GMA na maging Speaker

Doris Franche - Pang-masa
Romualdez inendorso ni GMA na maging Speaker

MANILA, Philippines — Inendorso ni dating pangulo at Congresswo­man-elect Gloria Macapagal Arroyo (GMA) si Leyte 1st District Representative at Majority Leader Martin Romualdez upang maging House Speaker ng 19th Congress.

Ayon kay Arroyo, buo ang kanyang suporta para iluklok si Romualdez bilang susunod na House Speaker. Hinimok din nito ang kanilang mga kapartido na suportahan si Romualdez.

Una nang inendorso ng National Unity Party ang speakership ni Romualdez.

Paliwanag ni Arroyo, dekada na silang magkatuwang ni Romualdez sa pag­lilingkod sa mga Pilipino, kung saan malaking bahagi nito ay bilang kinatawan sa Kamara. Balik kongreso si Arroyo  sa Hunyo 30, matapos itong manalo  bilang   2nd District Rep. ng Pampanga.

Samantala, nagpaha­yag na rin ng suporta ang Nacionalista party sa pa­ngunguna ni Deputy Speaker Camille Villar kung saan ipinunto nito ang outstanding performance ni Romualdez bilang House Majority Leader sa pagpapasa ng mga vital na batas at pagbubuklod sa mga miyembro ng Kongreso na mula sa magkakaibang partido.

Sa pulong naman ng party-list coalition, tiniyak din nila ang kanilang suporta para sa pag-upo ni Romualdez bilang House speaker.

Naglabas din ng statement ang PDP Laban na kanilang sinusuportahan ang speakership ng Leyte solon.

Ayos kay PDP Laban President Alfonso Cusi, naniniwala sila sa kakayanan ni Romualdez na pag-isahin ang Kongreso at ipagpatuloy ang legacy program ng Duterte administration kasabay ng pagsusulong sa agenda ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with