^

Police Metro

Pamumuhay ng 40% Pinoy lumala sa nakalipas na 12 buwan - SWS

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Base sa latest survey sa ikaapat na quarter ng Social Weather Stations 2021 ay umabot sa 40% ng mga nasa hustong gulang na Pinoy ang nagsabing lumala ang kanilang kalidad ng buhay kumpara sa nakalipas na 12 buwan.

Sa survey natanong ang may 1,440 indibidwal sa buong bansa at 24 percent sa mga ito ay nagsabing gumanda ang uri ng kanilang pamumuhay habang 36 percent ang nagsabi na walang nabago sa kanilang buhay.

Ang SWS survey ay ginawa noong December 12 hanggang 16 ng 2021 na may sampling error margins na ±2.6% para sa national percentages at ±5.2% para sa Balance Luzon, Metro Manila, sa Visayas at Mindanao.

Isinalarawan ng SWS na ang 40 percent ng mga Pinoy na nagsabing lumala ang uri ng kanilang pamumuhay ay mga losers at gainers ang mga nagsasabing gumanda ang kanilang pamumuhay.

Ang net gainer score na naitala noong Dis­yembre ay 28 points na mas mataas sa -44 noong Seytembre 2021.

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with