^

Police Metro

3.27 milyong Pinoy jobless noong Disyembre - PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bahagyang tumaas ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.

Ayon sa PSA na nasa 6.6 porsyento ang unemployment rate o katumbas ng 3.27 milyong Pinoy na walang trabaho sa bansa noong December 2021.

Mas mataas ang nasabing datos kumpara sa 6.5 por­syento o 3.16 milyong napaulat noong November 2021.

Iniulat din ni PSA National Statistician at Civil Re­gistrar General Dennis Mapa na nasa 6.81 milyon ang underemployed na indibidwal noong December, mas mababa sa 7.62 milyon na datos noong November.

Base sa month-on-month change, nadagdagan ng mga naka-employ na indibidwal sa agriculture and forestry (1.07 milyon); manufacturing (325,000); human health and social work activities (165,000); transportation and storage (146,000): at administrative and support service activities (127,000). Pinakamarami namang nabawas na trabaho sa sektor ng fishing and aquaculture.

JOBLESS

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with