4,801 tauhan at mga ahensiya ng DILG nagpositibo sa COVID-19

Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año sa pangulo na maging siya ay hindi nakaligtas sa panibagong surge ng virus at sa ikatlong pagkakataon ay muling dinapuan nito.
The STAR/Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Umabot sa 4,801 personnel na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga attached agencies nito ang dinapuan na rin ng COVID-19.

Ito ang iniulat ni DILG Secretary Eduardo Año sa pangulo na maging siya ay hindi nakaligtas sa panibagong surge ng virus at sa ikatlong pagkakataon ay muling dinapuan nito.

Ayon kay Año, hanggang nitong Lunes, ang Philippine National Police (PNP) ang nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng naitalang COVID-19 active infections na umabot sa 4,015.

Kasunod naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) na may 471 at DILG central at regional offices na may 98 cases; Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nakapagtala ng 91 cases; National Police Commission (Napolcom) na may 60; Philippine Public Safety College na may 13; Philippine Commission on Women na may 13; Local Government Academy na may 10; National Youth Commission na may apat at National Commission for Muslim Filipinos na may isang kaso.

Mayroon rin aniyang apat na gobernador at 21 alkalde ang kumpirmadong dinapuan ng COVID-19.

Show comments