MRT-3, hindi na rin magpapasakay ng ‘di bakunado

MANILA, Philippines — Simula sa Lunes, ­Enero 17 ay tanging mga fully vaccinated na lamang ang pasasakayin sa MRT-3.

Kaugnay ito ng requirements na vaccination card at isang government ID tuwing sasakay sa nasabing transportasyon.

Hindi naman kasali sa polisiyang ‘no vaccine, no ride’ ang mga sumusunod: pasaherong may medical condition at bawal mabakunahan.

Kailangan lamang magpakita ng medical certificate at pirma ng attending physician, mga lalabas para bumili ng essential goods tulad ng pagkain, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan.  Habang hindi naman ­sapilitan ang pagsusuot ng face shield.

Una nang nag-abiso ang LRT-2 na hindi rin sila magsasakay ng hindi fully vaccinated.

Show comments