Sa pagsulpot ng COVID-19 variants vaccination posibleng itaas sa 100% populasyon

In this file photo taken on February 02, 2021 A health worker holds a vial with the Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine against the novel coronavirus at the vaccination center in Freising, southern Germany, on February 2, 2021
AFP / Christof Stache

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants ay posibleng itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 im­munity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-protek­syon ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal na virus strain o SARS-CoV-2.

“Yung 70% yun yung sa original strain ng virus natin yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” paliwanag ni Vega.

Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, umaabot na sa mahigit 37 milyong katao ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19 hanggang nitong Dis­yembre 4.

Bunsod naman ng banta ng Omicron variant sa bansa, hinikayat muli ni Vega ang publiko na magpabakuna na.

Show comments