Bago ang Delta variant…mayorya ng Pinas balik sa dating estado

Commuters sport face shields while riding the LRT Line 2 coach in Quezon City on Nov. 3, 2021. The Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases eyes scrapping the mandatory wearing of face shield policy in connection with the downtrend in COVID-19 cases in the country, Malacañang spokesperson Harry Roque said in a briefing.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag ng OCTA Research Group na bumalik ang mayorya ng mga lugar sa dati nitong estado bago magkaroon ng surge dulot ng Delta variant ng COVID-19.

Sinabi ni OCTA member Dr.Guido David na nasa ‘low risk classification’ na ang National Capital Region (NCR), Davao City, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal habang ang Cebu City ay nasa mas mababang ‘very low risk classification’ na.

“We have reversed the Delta surge already in NCR. We were back to where we were before the surge in July. And the goods news is it’s not just in the NCR,” ayon kay David.

Bagaman may mga lugar pa sa bansa na mataas pa rin ang bilang ng mga kaso ng COVID-19, nilinaw ni David na pababa na rin ang mga ito.

“For the entire country we’re actually back in— it’s like we reversed back to March of this year,” saad pa ni David.

Itinuro niya ang pagbaba ng mga kaso sa mas malawak ngayong narating ng COVID-19 vaccines, pagsunod ng publiko sa minimum health standards at pagpapatupad ng mga lockdowns..

Upang maiwasan ang panibagong surge ay iginiit ng OCTA na patuloy na mabakunahan pa ang nalalabing bilang ng populasyon lalo na ang mga matatanda at mga may iniindang ibang karamdaman.

 

Show comments