71 lugar sa NCR nasa granular lockdown

MANILA, Philippines — Nasa 71 lugar na lang sa National Capital Region (NCR) mula 83 ang nasa ilalim ng granular lockdown dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa PNP, kabilang dito ang 34 bahay, 20 residential buildings, 11 subdivisions o villages, palapag ng residential building floor.

Sinabi ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na indikasyon ito na sumusunod na ang publiko sa regulasyon kaya naiiwasan ang hawaan.

Gayunman, ang local government units (LGUs) pa rin ang may desisyon kung kailan aalisin at ipatutupad ang granular lockdowns.

Show comments