Drug pusher utas sa buy-bust

MANILA, Philippines — Isang notoryus na drug pusher ang nasawi nang ito umano ay manlaban sa mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Zone-5, Sitio Matiway, Brgy. San Felipe, Naga City, Albay, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Marvin Estrella Valenzuela, nasa hustong gulang at residente ng Zone-1, Brgy. Mabolo.

Sa ulat, alas-11:45 ng gabi nang kumagat ang suspek sa buy bust operation laban sa kanya at nang iabot ang biniling droga sa poseur buyer ay mabilis na nagsilabasan ang mga nakatagong operatiba,pero bumunot ito nang baril kaya pinutukan ng mga pulis na ikinasawi nito. -

Show comments