Gang War:14-anyos binatilyo dedo, 1 kritikal

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 14-anyos na binatilyo habang kritikal ang isa pa nang mabaril sila sa gang war, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si John Mark Molina, alyas Dennis, isang out-of-school youth, at residente ng Pa­silyo 1 Central Market, Fugoso St., Sta.Cruz,  Manila.

Habang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Jomar De Jesus, 17-anyos, nakatira sa Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila.

Sa ulat, ala-1:00 ng madaling araw nang sumiklab ang gulo sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo ng kabataan sa may northbound lane ng Jose Abad Santos Avenue na sakop ng Brgy. 252, Tondo.

Sumugod ang grupo na kalaban ng mga biktima na kanilang hinarap ngunit hindi akalain na may dalang baril ang mga salarin at agad ipinutok sa dalawang biktima.

Nang bumulagta ang dalawang biktima ay agad nagsitakas ang kalabang gang.

Show comments