Sunog sa Baseco: Tatay patay, anak kritikal

MANILA, Philippines — Isang ama ang namatay habang kritikal ang kaniyang anak na babae nang makulong sa loob ng banyo ng nasunog nilang bahay sa Tondo, Maynila, ­kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Mastora Guimat habang isinugod sa pagamutan ang kaniyang anak na babae na si Norhara Guimat.

Sa ulat ng BFP, alas-6:44 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa bahay ng pamilya Guimat sa Block 15A Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Agad na kumalat ang apoy sa 100 pang kabahayan sa lugar na pawang gawa sa light materials at dakong alas-8:10 na ng gabi nang makontrol ang apoy at ganap na naapula dakong alas-10:31 ng gabi.

Sa mopping operation ay nadiskubre ang mag-ama na kapwa walang malay sa loob ng banyo ng kanilang bahay.

Maaaring naipit umano ng apoy ang mag-ama kaya naisipan na sa loob ng banyo magtungo kung saan may tubig ngunit napuno naman sila ng makapal na usok.

Show comments