PNP Camps inialok gawing vaccination sites sa minors

Senior citizens with comorbidity and frontliners line up at Pinyahan Elementary School in Quezon City during the continuation of inoculation of Sinovac vaccine on April, 14, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inialok kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar  ang mga kampo ng PNP para gawing vaccination sites sa mga kabataang nagkakaedad 12-17 anyos partikular na ang mga dependents ng mga pulis.

Sa kasalukuyan, puspusan ang paghahanda ng pamahalaan sa pangu­nguna ng National Task Force Against COVID- 19 na pinamumunuan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. sa inoculation program sa nasabing age bracket ng mga kabataan sa bansa.

Ang planong pagbabakuna sa 12-17 anyos na populasyon ay sa gitna na rin ng panawagan na magsagawa na ng face-to-face classes ang mga estudyante kaugnay ng  unti-unting pagbabalik sa normal ng sitwasyon bu­nga ng matinding epekto ng COVID 19 pandemic.

Nabatid na patuloy ang pagdating ng mga bakuna laban sa COVID-19  kaya pinaplano na rin ng gobyerno na bakunahan laban sa virus ang 12-17 anyos  kung saan ilang Local Government Units (LGUs) ang sinimulan na ring ang pagpapatala sa mga menor-de-edad.

“Ngayong halos patapos na ang vaccination sa aming hanay, inatasan ko na ang aming Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) sa pamumuno ni PLTGEN Joselito Vera Cruz na maghanda sa pamamagitan ng pag-umpisa ng paglilista ng mga 12-17 years old dependents ng aming uniformed at civilian personnel,” ayon kay Eleazar.

Ipinaliwanag ni Eleazar na ang paggamit ng PNP camps at iba pang mga pasilidad para sa 12-17 anyos na mga dependents ng mga PNP personnels ay bilang bahagi ng tulong ng kapulisan sa mga Local Government Units para tiyakin ang kaligtasan ng naturang mga menor-de-edad sa mga vaccination sites at upang hindi magsiksikan sa mga lugar ng bakunahan.

Show comments