Manatili sa bahay habang naka-ECQ

This July 9, 2020 photo shows a barangay in San Juan City in total lockdown.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Manatili na lang muna sa bahay habang ipinapatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) upang lalong maiwasan ang pagkalat ng Delta variant.

Ito ang paghihikayat ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa mga mamamayan sa Metro Manila dahil sa pagsisimulang ilagay sa pinakamahigpit na community quarantine simula ngayong Biyernes Agosto 6, 2021 hanggang Agosto 20, 2021.

Lilimitahan ang paglabas ng mga tao na papayagan lamang upang bumili ng mga pangunahing panga­ngailangan lalo na ng pagkain o kung nagta-trabaho sa mga negosyo na pinapayagang magbukas.

Idinagdag ni Nograles na ima-maximize ng gobyerno ang dalawang linggong ECQ sa Metro Manila at papabilisin ang isinasagawang pagbabakuna.

Show comments