_pang-masa
^

Police Metro

Hoarding ng oxygen at medical supplies, iimbestigahan — Eleazar

Doris Franche - Pang-masa
Hoarding ng oxygen at medical supplies, iimbestigahan â Eleazar
Ayon kay Eleazar, humingi ng tulong sa PNP at DTI si Cebu City Vice Mayor Michael Rama kaugnay ng isyu gayong may pandemya ang bansa.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan na ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar sa Cebu City Police Office at Regional Criminal Investigation and Detection Group (RCIDG) ang hoarding ng oxygen tanks at medical supplies sa Cebu.

Ayon kay Eleazar, humingi ng tulong sa PNP at DTI si Cebu City Vice Mayor Michael Rama kaugnay ng isyu gayong may pandemya ang bansa.

 Sinabi ni Eleazar na hindi dapat na mangyari ang hoarding ng anumang medical supply at oxygen dahil ito ang kailangan ng mga pasyente na tinamaan ng COVID-19.

Inatasan ni Eleazar ang mga concerned police units na makipag-coordinate sa DTI para mapigilan ang pag-iimbak ng mahahalagang medical supplies.

Pinasisilip din ni Eleazar kung may hoarding din ng mga oxygen tanks at medical supplies sa NCR.

“Pati dito sa Metro Manila ay aalamin din natin kung may mga ganitong insidente. Ngayon natin mas kailangan ng sapat na suplay ng oxygen tanks dahil sa tumataas na bilang ng CoViD-19 cases dahil na rin sa mas nakahahawang Delta variant,” dagdag pa ni Eleazar.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with