_pang-masa
^

Police Metro

Higit 9.1 milyong Pinoy bakunado na — DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa
Higit 9.1 milyong Pinoy bakunado na â DOH
Frontliners get inoculated with Aztrazeneca COVID-19 vaccine during the continuation of vaccination for health workers and frontliners at Marikina Sports Complex on March 24, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Batay sa inilabas ng vaccine bulletin ng Department of Health (DOH) nasa mahigit sa 9.1 mil­yong Pinoy ang fully-vaccinated laban sa COVID-19.

Nabatid na hanggang Agosto 1 ay umaabot na sa 20,863,544 doses ang nai-administer sa bansa, o may limang buwan nang simulan ang COVID-19 vaccination sa Pilipinas noong Marso.

Sa nasabing bilang, 11,747,581 indibidwal ang nakatanggap ng first dose ng bakuna na kinabibilangan ng 1,995,926 frontline health workers (A1 category); 2,884,325 senior citizens (A2 cate­gory); 3,770,784 persons with comorbidities (A3 cate­gory);2,623,263 essential workers (A4 category) at 473,283 indigents (A5 category).

Habang ang nasa 9,115,963 naman na mga indibidwal ang fully vaccinated, kung saan 1,571,843 ang frontline health workers; 2,616,273 senior citizens; 3,327,621 persons with comorbidities;1,295,610 essential workers; at 304,616 indigents.

Ayon pa sa DOH, uma­bot sa  average na 523,018 doses kada araw nitong nakalipas na linggo, base sa datos mula sa 1,465 active at reporting vaccination sites na mas mataas sa target na 500,000 jabs lamang kada araw.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with