^

Police Metro

Love triangle tinapos sa murder

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi matanggap ng isang 42-anyos na lalaki ang pag-iwan sa kanya ng kinakasama kaya’t sinugod nito ang bahay ng bagong dyowa na naging dahilan ng kanyang kamatayan nang bagsakan siya ng malaking bato sa mukha at saksakin naganap kamakalawa sa Brgy. San Miguel 1, Dasmariñas City, Cavite.

Namatay noon din ang biktimang si Mateo Rivera, residente ng nasabing barangay habang naaresto ang suspek na si Lito Cabanag, 39, ng Blk. 35, Lot 14 ng nasabi ring barangay.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi ay lasing na pinuntahan ng biktima ang tinutuluyan ng suspek at pinapalabas ang dating karelasyon na si Maricar Anoc.

Hinarap ng suspek ang biktima na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim ang una at pinagsasaksak ang huli at nang nakahandusay sa kalsada ay binagsakan pa nito ng bato sa mukha na naging sanhi ng kamatayan nito. Naaresto ang suspek ng mga rumes­pondeng tanod at dinala sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with