May ayuda ang residente ng NCR

MANILA, Philippines — “Walang ECQ kung walang ayuda.”

Ito ang sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na makatatanggap ang low-income residents ng National Capital Region (NCR) ng P1,000 hanggang P4,000 cash aid matapos itong ilagay sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) mula Agosto 6 hanggang 20 sa gitna ng COVID-19.

Inaasahan naman na ia-identify na ng Department of Budget and Management (DBM) kung saan huhugutin ang pondo para sa cash aid.

Anya, ang cash aid ay nasa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Related video:

Show comments