_pang-masa
^

Police Metro

Maynila naghahanda na kontra Delta variant

Danilo Garcia - Pang-masa
Maynila naghahanda na kontra Delta variant
Ito ang inihayag ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, dahil nakita niya ng personal ang sinserong ginagawang hakbang nina Moreno at Lacuna upang hindi na kumalat pa ang Delta variant sa mga residente sa lungsod.
The STAR/Miguel de Guzman,

MANILA, Philippines — Puspusan ang ginagawang hakbang at paghahanda nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna upang mapigilan ang pagdami at paglawak pa ng mga posibleng dapuan ng Delta variant ng COVID-19.

Ito ang inihayag ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing, dahil nakita niya ng personal ang sinserong ginagawang hakbang nina Moreno at Lacuna upang hindi na kumalat pa ang Delta variant sa mga residente sa lungsod.

Anya, lahat ng precautionary measure ay ginagawa na bago pa lang ang pagbabalik ng ECQ sa Metro Manila simula sa Agosto 6 hanggang 20.

“Madaming nagtaka kung bakit pa nagtayo ng field hospital sa Luneta noong nakalipas na buwan noong panahon na bumababa na ang mga kaso ng Covid ngunit ngayon ay nakita na ang panga­ngailangan hinggil dito.

Inihayag pa ni Bagatsing na masakit ang lockdown para sa mga re­sidente, negosyo, at ekonomiya, pero kapag maagapan ito ay posibleng wala nang COVID-19 sa Pasko kaya’t nanawagan ito sa ibang private sector na may kaya sa buhay na tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

Matatandaan na pina­gamit ni Don Ramon Ba­gatsing ang kanyang mga dormitoryo sa Maynila bilang pansamantalang tirahan ng mga medical frontliners.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with