_pang-masa
^

Police Metro

Tuloy ang VFA — Duterte

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, na isinaalang-alang ni Pangulong Duterte ang interes ng bansa sa naging desisyon na magpatuloy ang Vi­siting Forces Agreement (VFA).

Una nang inanunsiyo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang press conference kasama ang bumibisitang si US Defense Secretary Lloyd J. Austin III na binabawi na ang terminasyon ng VFA.

Sinabi ni Roque na ipagpapatuloy pa rin ng Pilipinas ang partnership sa iba pang bansa na naaayon sa national interest.

Ang VFA ay isang kasunduang militar sa pagitan ng Pilipinas at ng America noong 1999 kung saan pinapayagan ang pagdaraos ng military exercises, counter intelligence training at humanitarian aid missions ng mga sundalo ng Amerika at Pilipinas.

Matatandaan na unang nagbanta si Duterte na ipababasura ang VFA matapos kanselahin ng Washington ang visa ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

VI­SITING FORCES AGREEMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with