_pang-masa
^

Police Metro

Lasing na jeepney driver tumalon sa creek, nalunod

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bangkay na nang matagpuan ang isang 26-anyos na jeepney driver na unang napaulat na tumalon sa isang creek sa Malabon City, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Jay Paul Maniego, residente ng 29 Bisig ng Nayon, Brgy. Sangandaan, Caloocan City.

Nabatid na nadiskubre ng residente na si Erlinda Teorica, 70, bandang alas-6:40 ng umaga ang bangkay ni Maniego na nakalutang sa Tugatog creek sa P. Concepcion St., na agad ipinaalam sa mga otoridad.

Bago ito, isang saksi ang nakakita na lasing umano ang biktima nang tumalon sa nasabing creek sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan, alas-3:30 ng madaling araw nitong Martes.

Tumanggi ang pamilya ng biktima na isailalim sa otopsiya dahil naniniwala sila na ito ay nalunod.

LUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with