_pang-masa
^

Police Metro

Pulis na nangikil ng aplikante inaresto

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang pulis ang ina­resto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monito­ring Enforcement Group (PNP-IMEG) sa entrapment operation sa tapat mismo ng Camp Crame sa Quezon City.

Kinilala ni PNP  IMEG-Director Police BGen Flynn Dongbo ang suspek na si Police Master Sgt Edmund Olavanio na dinakma sa aktong tinatanggap ang marked money mula sa complainant sa Col. Boni Serrano Ave, Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City.

Base sa mga rekla­mong natanggap, ginagamit ni Olavanio ang kanyang pwesto sa Crime Laboratory Group para makapangikil na kung saan nanghihingi umano ito ng P6,000 para sa mga aplikante sa pagkapulis na gustong mapasama sa final list ng mga bagong pulis na manunumpa sa July 30, 2021.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng IMEG ang pulis at mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

EXTORTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with