_pang-masa
^

Police Metro

Higit 200K katao naapektuhan ng habagat

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa 202,213 katao o 50,676 pamilya sa anim na rehiyon sa bansa ang naapektuhan ng habagat o monsoon rains.

Ito ang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kung saan ang mga apek­tadong indibidwal ay mula sa National Capital Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA,Western Visayas at Cordillera Administrative Region.

Iniulat din ng NDRRMC na 480 barangays ang  naapektuhan ng habagat dahil sa Bagyong Fabian na kung saan ay 38,472 katao o 10,242 pamilya ang nananatili sa evacuation centers, habang 33,767 katao o  7,374 pamilya ang nakasilong sa gilid ng mga evacuation centers.

Aabot naman ng 244 barangay ang naitalang binaha, apat ang insidente sa dagat, tatlong insidente ng storm surge, landslide, rockslide, sinkhole, at mudflow na naging sanhi kaya’t 13 kalsada ang hin­di nadaanan.

Mahigit sa P100 milyon ang halaga ng agrikultura, P2.4 milyon imprastraktura ang nawasak habang 143 bahay ang nasira.

HABAGAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with