_pang-masa
^

Police Metro

Malaysia at Thailand pasok sa travel ban ng Pinas

Malou Escudero - Pang-masa
Malaysia at Thailand pasok sa travel ban ng Pinas
“Nagdesisyon na po ang ating Presidente, isinama na po ang Malaysia at Thailand sa mga bansa na kasama po sa travel ban. Ulitin ko po, kasama na po sa mga bansang may travel ban ang Malaysia at ang Thailand,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
The STAR/KJ Rosales

MANILA, Philippines — Hindi papapasukin sa Pilipinas ang lahat ng mga biyahero na manggagaling sa Malaysia at Thailand o may history of travel sa mga nasabing bansa sa nakalipas na 14 na araw na magsisimula ng 12:01AM ng July 25, 2021 hanggang 11:59PM ng July 31, 2021.

“Nagdesisyon na po ang ating Presidente, isinama na po ang Malaysia at Thailand sa mga bansa na kasama po sa travel ban. Ulitin ko po, kasama na po sa mga bansang may travel ban ang Malaysia at ang Thailand,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Pero, ang mga pasahero na naglalakbay na at nanggaling o dumaan sa dalawang nabanggit na bansa at dara­ting bago mag-12:01AM ng Hulyo 25, 2021 ay papayagang makapasok pero kinakailangang sumailalim sa 14 na araw na facility quarantine kahit pa magnegatibo ang resulta ng kanilang Reverse Transcription - Polymerase Chain Reaction (RT-PCR).

Hindi naman kasama sa travel restrictions ang mga repatration at special commercial flights ng mga Filipino, pero dapat dumaan sila sa ipinatupad na testing at quarantine protocols.

Ginawa ng gobyerno ang nasabing hakbang upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo ng mas nakakahawa at nakamamatay na Delta variant.- Danilo Garcia

TRAVEL BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with