_pang-masa
^

Police Metro

P2.3 bilyong ukay-ukay nasamsam sa Valenzuela

Danilo Garcia - Pang-masa
P2.3 bilyong ukay-ukay nasamsam sa Valenzuela
Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na anti-smuggling campaign ng BOC-MICP na naging posible sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at koordinasyon sa Enforcement and Security Service (ESS) ng Port, Philippine Coast Guard (PCG), at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Umaabot sa P2.3 bilyong halaga ng mga ukay-ukay at luxury brand items ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) sa isang bodega sa Valenzuela City.

Ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na anti-smuggling campaign ng BOC-MICP na naging posible sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at koordinasyon sa Enforcement and Security Service (ESS) ng Port, Philippine Coast Guard (PCG), at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Nabatid na naging mabilis ang aksiyon ni Alvin Enciso, hepe ng CIIS-MICP, sa impormasyong natanggap na nagresulta sa pagkakakumpiska ng counterfeit items at smuggled products.

Kaagad din namang nag-isyu si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ng Letter of Authority (LOA) kaya’t nakapagsagawa sila ng agarang inspeksiyon sa warehouse sa Mayzan, Valenzuela City.

Dito ay nadiskubre ng composite team ang mga counterfeit items ng mga kilalang luxury brands gayundin ang mga illegally imported na pakete ng mga used clothing, face masks, at iba pang imported items.

Naglabas naman kaagad si MICP District Collector Romeo Allan R. Rosales ng Warrant of Seizure and Detention para sa paglabag sa Section 224 in relation to Section 219 ng RA 10863.

SMUGGLED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with