Duterte nag-aalala sa pagkakaroon ng COVID-19 ni Baste

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na bagaman at bata pa at malusog ang vice mayor ay nag-aalala rin ang Pangulo.
Presidential Photo/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Lubos na nag-aalala si Pangulong Rodrigo Duterte sa anak na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na bagaman at bata pa at malusog ang vice mayor ay nag-aalala rin ang Pangulo.

“Of course the President is concerned as a father bagama’t one thing going for Vice Mayor is siya po ay bata at malusog ‘no,” ani Roque, nang matanong kung ano ang naging reaksiyon ng Pa­ngulo.

Sinabi rin ni Roque na immune system pa rin ang lumalaban sa COVID-19.

Binanggit din ni Roque na hindi niya alam kung nagkaroon ng close contact ang Pangulo sa anak.

“Wala po akong alam na close contact si Presidente ‘no,” ani Roque.

Nauna rito sinabi ni Roque na hindi niya alam kung Delta variant ang tumama sa vice mayor dahil wala pa namang napapaulat na Delta variant sa Davao.

Samantala, inihayag din ni Roque na kumpirmado ng hindi dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Lunes si Davao City ­Mayor Sara Duterte at hindi rin aniya tiyak kung makakara­ting si Deputy Speaker Paolo “Pulong” Duterte.

Show comments