^

Police Metro

Ilang lugar sa Maynila nalubog sa baha

Danilo Garcia - Pang-masa
Ilang lugar sa Maynila nalubog sa baha
indi alintana ang baha at ulan ng mga residenteng nakapila para magpabakuna sa vaccination site sa San Andres Sports Complex, Malate, Manila, kahapon.
The STAR/Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dahil sa walang tigil na pag-ulan kahapon ay nalubog sa baha ang mara­ming kalsada sa lungsod ng Maynila na umabot hanggang tuhod ang ilang lugar.

Sa ulat ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), alas-12:40 ng tanghali ay umabot ng hanggang ‘gutter’ ang baha sa mga kalsada ng Avenida-Recto na nagdulot ng mabigat na trapiko.

Hanggang tuhod din ang baha sa United Nations Avenue-Taft Ave., at Taft sa harap ng National Museum kaya na­ging mabagal ang usad ng mga sasakyan na hindi madaanan ng  mga maliliit na behikulo.

Hanggang gutter rin ang tubig-baha sa mga kalsada ng Sta. Cruz-Quezon Blvd., Pedro Gil st., Peñafrancia st., Quezon Blvd.-Adriatico St., at Kalaw-Maria Orosa street.

Ang iba pang nalubog sa gutter deep na baha ay ang P.Burgos South Blvd., PGH-Taft. Roxas Blvd-Quirino Service Road, Rizal Ave-Recto, Roxas Blvd-Pedro Gil, Bonifacio Drive-25th st., Roxas Blvd-Kalaw, A. Bonifacio-Sgt. Rivera, Aurora-Araneta,  E. Rodriguez-Araneta at LRT Recto na tumukod ang trapiko.

BAHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with