_pang-masa
^
PNP chief: Hindi aarestuhin ang ayaw magpabakuna!
Dinagsa ng mga taong gustong magpabakuna mula sa A1 hanggang A5 category ang Marikina Sports Complex matapos magbabala si Pangulong Duterte na aarestuhin ang mga ayaw magpabakuna.
The STAR/Boy Santos

PNP chief: Hindi aarestuhin ang ayaw magpabakuna!

Doris Franche (Pang-masa) - June 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na hindi aarestuhin ng mga pulis ang mga taong ayaw magpabakuna sa kabila ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin na ang sinumang hindi magpapabakuna laban sa CoViD-19 virus.

Ayon kay Eleazar, nakipag-ugnayan na siya kay Justice Secretary Menardo Guevarra kung saan sinabi ng kalihim na walang batas na gagamiting batayan sa pag-aresto sa mga ayaw magpabakuna.

Gayunman, naniniwala si Eleazar na hindi na kaila­ngang pilitin ang mga ayaw magpabakuna dahil marami na ang kumbinsido na makakatulong ang bakuna na panlaban sa CoViD-19 dahil kitang-kita umano ito sa haba ng pila sa halos lahat ng mga vaccination sites.

Kung mayroon mang nag-aalinlangan pa sa ngayon ay kailangan lang aniya silang kumbinsihin sa pamamagitan ng mas masugid pang information campaign.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with