^

Police Metro

30 porsiyento lang ang gustong magpabakuna

Malou Escudero - Pang-masa
30 porsiyento lang ang gustong magpabakuna
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa 30 porsi­yento lang ng po­pulasyon ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 ay balak ng gobyerno na gawing kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang pagpapabakuna.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna.

“Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na mayroon pong tinatawag na vaccine hesitancy na 30 percent lang daw po ang gustong magpabakuna...eh iniisip ko po dahil binigyan po natin ng prayoridad ‘yong mga mahihirap, eh mayroon po tayong programa na 4Ps na conditional cash transfer na binibigyan po natin sila ng --- for all intents and purposes ayuda kapalit ng ilang responsibilidad na pag-aralin ang kanilang mga anak. Siguro po puwede nating pag-aralan kung isama na rin natin doon sa kundisyon para sa 4Ps ay ‘yong pagbabakuna ‘no,” ani Roque.

Sinabi pa ni Roque na sa dami ng mga benepis­yaryo ng 4Ps na puro mahihirap, marami ang mababakunahan.

Isasama na rin aniya ang pagbabakuna kapag nagkaroon ng Bayanihan 3,” ani Roque.

Bagaman at balak isama sa kondisyon sa 4Ps ang pagpapabakuna, nilinaw ni Roque na hindi naman ito sapilitin at ibibigay lang sa mga gustong tumanggap ng ayuda.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with