^

Police Metro

120K sa NCR Plus target na bakunahan kada araw

Malou Escudero - Pang-masa
120K sa NCR Plus target na bakunahan kada araw
“Sa NCR, ang target po natin, nagkaroon kami ng simulation, 120,000 a day. Ang ating inaakyat nga­yong May ay magkaroon tayo ng 2M na vaccination and also at least this co­ming June, magkaroon tayo ng 4M ang ating ma-vaccinate and July onwards magkakaroon na tayo ng tinatawag na 1M-2M per week na ang ating target,” ani Galvez.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nasa 120,000 katao kada araw sa National Capital Region (NCR) Plus bubble ang target na mabukanahan ng gobyerno upang tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus at magkaroon ng “herd immunity” sa itinuturing na virus epicenter na Metro Manila, ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Sinabi rin ni Galvez na target ngayong Mayo na magkaroon ng 2-milyong vaccination bukod pa ang sa Hunyo at apat na milyon sa Hulyo.

“Sa NCR, ang target po natin, nagkaroon kami ng simulation, 120,000 a day. Ang ating inaakyat nga­yong May ay magkaroon tayo ng 2M na vaccination and also at least this co­ming June, magkaroon tayo ng 4M ang ating ma-vaccinate and July onwards magkakaroon na tayo ng tinatawag na 1M-2M per week na ang ating target,” ani Galvez.

Inuuna aniya ang NCR Plus, Metro Davao at Me­tro Cebu na itinuturing na mga “centers of gravity.”

Idinagdag ni Galvez na target nilang matapos ang pagbabakuna sa Metro Manila sa Nobyembre 27.

Inaasahan ang pagda­ting ng nasa 7-milyong doses ng bakuna ngayong Mayo  kung saan 2.2 mil­yon ay magmumula sa Pfizer sa pamamagitan ng Covax facility. Mayroon ding 1.3 milyon doses ng bakuna mula sa Russia na Sputnik V ang inaasahang darating sa bansa bukod pa sa 500,000 doses mg Sinovac na darating sa Mayo 22.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with