^

Police Metro

COVID-19 vaccination ‘di dapat requirement sa trabaho — DOH

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi dapat gawing requirement sa mga nag-aaplay ng trabaho pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ito ang binigyang linaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at iginiit na kahit maha­laga ang nasabing bakuna, dapat lamang na maging boluntaryo ito para sa isang indibiduwal.

Sinabi ng DOH na sa kabila ng layunin ng business leaders na mapabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, hindi dapat na maging requirement sa mga  aplikante ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.

 “Hindi rin natin puwedeng gawing... requirement ito para sa pagtatrabaho because vaccination is voluntary, although kailangan ding maintindihan ng ating kababayan importante kahit voluntary ito,” paliwanag ni Vergeire.

Reaksyon ito ni Vergeire sa napaulat na kabilang sa company policy ng US-based Delta Air Lines ang COVID-19 vaccination para sa mga bagong empleyado.

 Maliban pa rito, hiniling din ng ilang business leaders sa gobyerno na magpatupad ng “vaccine pass” sa mga nakatanggap na ng 2 doses ng CO­VID-19 vaccine, na hindi naman pinayagan ng DOH.

Ani Vergeire, wala pang sapat na ebidensya na ang mga bakunado na ng 2 doses ay hindi na mahahawaan ng nasabing virus.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with