_pang-masa
^

Salceda pinarangalan bilang ‘Father of the Free College Tuition law’

Joy Cantos (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinarangalan ng Commission on Higher Education (CHED) ng “Father of Free Tuition in College award” si Albay Rep. Joey Sarte Salceda bilang natatanging pagkilala sa pagkakalikha niya sa batas na Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE), na nagbibigay ng libreng tuwisyon sa mga estudyante sa kolehiyo.

Iginawad kay Salceda ang parangal ni CHED chairman Prospero ‘Popoy’ de Vera at Commissioner Aldrin Darilag, kasama si Atty. Ryan Estevez, executive director ng ‘Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education’ sa katatapos na Gawad Parangal ng CHED para sa mga ‘Local Universities and Colleges (LUCs)’ sa Bikol na ginanap sa Legazpi City kamakailan.

Inakda ni Salceda ang UAQTE at nilagdaan ito ni Pangulong Duterte bilang RA 10931 noong 2017. Sa ilalim nito libre ang tuition fee ng estudyante sa mga ‘state universities and colleges’ (SUC) at LUC ng mga pamahalaang lokal, at sa mga kursong ‘technical-vocational’ ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at mga kabalikat nitong sanayan o institusyon.

Tuwiran din ang mga benepisyo nito sa mga pamilyang ang mga anak ay maaaring hindi makapasok sa mga SUC at LUC, sa pamamagitan ng ayudang pautang na tuwisyon para makapasok sa mga pribadong paaralan. Babayaran lamang ang naturang pautang kapag nakatapos na sila sa pag-aaral, nakapagtrabaho, at umabot na sa “minimum annual gross income” o “compulsory repayment threshold” ang kanilang taunang kita.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na parangal, iminungkahi ni Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee, sa CHED at TESDA na magtulungan para makalikha ng “skills-based workforce” na handa sa mga “career opportunities” sa ilalim ng nagaganap na ‘Fourth Industrial Revolution.’

CHED JOEY SARTE SALCEDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with